93

Dec 24, 2017 @ 16:58

Vinta nag-iwan ng 200 patay; libo-libo nawalan ng tirahan

Tinatayang 200 katao ang namatay sa Mindanao matapos manalasa ang bagyong Vinta ilang araw bago ang Pasko.

Libong tahanan, pananim at iba pang mga ari-arian ang nasira sa pananalasa ng bagyong Vinta, ayon sa mga awtoridad.

Biyernes ng tumama ang bagyong Vinta sa Mindanao taglay ang lakas ng hangin na 125 kph na may kasamang malakas na buhos na ulan na nagresulta sa pagguho at pagbaha sa maraming lugar sa Mindanao.

May 144 katao ang nawawala at 40,000 naman ang nasa evacuation centers ngayon matapos wasakin ni Vinta ang kanilang mga tahanan.

Nagbabala naman ang International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies (IFRC), sa pagtuloy na pag-ulan kahit na nakalabas na Philippine Area of Responsibility ang bagyong Vinta.

Sa talaan ng pulisya, 135 ang namatay at 72 ang nawawala sa hilagang bahagi ng Mindanao habang 47 naman ang nasawi at 72 ang nawawala sa Zamboanga peninsula sa kanlurang bahagi ng Mindanao.
May 18 naman ang namatay sa Lanao del Sur.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?