37

Dec 24, 2017 @ 13:43

Vinta lumabas na ng PAR —PAGASA

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility ang bagyong Vinta kaninang umaga, ayon sa PAGASA.

Alas-10:00 ng umaga nang mamataan si Vinta, 290 kilometero ang layo sa katimugang bahaging Pagasa Island sa Palawan at kumikolos sa bilis na 25 kilometers per hour.

Mahigit sa 182 katao ang namatay matapos manalasa si Vinta sa katimugang bahagi ng bansa.

Nagdulot hindi ito na matinding pagbaha sa maraming rehiyon sa Mindanao kung saan 70,000 ang naapektuhan.

Sa paglabas sa PAR, taglay pa rin Vinta ang lakas na 120 kilometro per hour malapit sa gitna at pagbugong aabot sa 145 kph.

Inalis na ang storm warning siganal sa lahat ng bahagi ng bansa.

Subalit inaasahan namang patuloy pa rin ang pag-ulan bahagi ng palawan at ibang bahagi ng katimugang bahagi ng Mindanao.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?