28

Dec 23, 2017 @ 12:27

‘Vinta’ bahagyang lumakas, binabagtas ang Southern Palawan

Bahagyang lumakas ang bagyong Vinta habang binabagtas ang Southern Palawan, ayon sa PAGASA.

Sa 8 a.m. weather bulletin nito, may dalang lakas ng hangin na 80 kilometro kada oras (kph) si ‘Vinta’ at pagbugsong 95 kph.

Huling namataan ang bagyo sa layong 285 kilometro ng timog-silangan ng Puerto Princesa City.

Humina ito mula sa bagyo tungo sa tropical depression nitong hapon ng Biyernes.

Inaasahan namang lalabas ng Pilipinas si ‘Vinta’ sa Pasko.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?