202

Dec 21, 2017 @ 10:58

‘Vinta’ bagyo na, typhoon signals itinaas

Naging bagyong Vinta na ang namataang low pressure area (LPA) matapos nitong mapanatili ang lakas kung saan itinaas na ang typhoon signals sa ilang lugar, ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Sa 5 a.m. weather bulletin nito, inaasahang magla-landfall ito sa loob ng 24 oras sa Caraga-Davao region sa pagitan ng Huwebes ng gabi at umaga ng Biyernes. Katamtaman hanggang sa malakas na ulan naman ang haharapin ng Eastern Visayas, Caraga at Davao Region dahil dito.

Ayon pa sa weather bureau, pakanluran ang binabaybay ni ‘Vinta’ sa bilis na 18 kilometro kada oras (kph) na may lakas na 65 kph at pagbugsong umaabot sa 80 kph.

Nakataas na ang Signal No. 2 sa Surigao del Sur habang Signal No. 1 sa Dinagat Island, Surigao del Norte, Agusan del Norte, Agusan del Sur, Davao del Norte, Compostela Valley, Northern Davao Oriental, Northern Davao del Sur, North Cotabato, Bukidnon, Misamis Oriental, at Camiguin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?