591

Oct 18, 2021 @ 19:11
By

Vinideohan pa! Resto staff binaboy mga sangkap

Alang-alang sa YouTube subscribers at views, kinuhanan ng isang fast-food restaurant staff sa USA ang sarili habang tinatapakan at binababoy ang mga sangkap sa mga pagkaing kanilang ibinebenta.

Kinilala ang may pakana ng video na si Jumanne, na nagtatrabaho sa Subway kung saan niya ginawa ang pambihirang kalokohan.

Kita sa video kung paano niya tinapakan ang mga sangkap ng Subway gaya ng kamatis at mga gulay bago ito ibalik sa lalagyan.

May isa pang video kung saan ay ikinalat niya ang mga karne sa sahig ng banyo at maging sa toilet.

Bukod dito, ininuman din niya ang mga gatorade na kanilang binebenta at pagkatapos ay ibinalik ang mga ito sa refrigerator.

Aminado pa si Jumanne na sinadya niya ito alang alang sa social media followers.

“Unfortunately, I’m a content creator, so I create controversial videos to be able to potentially monetise my audience on YouTube and other social media platforms,” pahayag niya ayon sa ulat ng Daily Mail.

“I just reached a point where I decided I would be willing to take a higher risk for a higher reward,” dugtong pa ni Jumanne. “There’s a lot of consequences within creating controversy but I accept whatever happens.”

Wika pa ni Jumanne, ginawa niya ang video sa mga araw na sarado ang Subway.

Tinanggal na siya sa trabaho at kinaltasan ng sahod para sa kanyang ginawa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?