31

Nov 18, 2021 @ 15:37
By

Vince Dizon sa team Isko din ang tuloy – Banayo

Matapos itanggi ng Palasyo na nilisan na ni National Task Force Against COVID-19 chief deputy implementer Vince Dizon ang gabinete, iginiit ng kampo ni presidential aspirant Manila Mayor Isko Moreno na sa kanilang team pa rin tutungo si Dizon.

Ayon kay Lito Banayo, campaign manager ni Moreno, sa ngayon ay naiintindihan nila na marami pang inaasikaso si Dizon lalo na sa pagbabakuna sa maraming Pilipino.

Ngunit aniya, sa kanilang kampo pa rin tutuloy si Dizon.

“We understand the important role of Secretary Dizon in the COVID-19 pandemic response, especially as we are ramping up the efforts to achieve a higher level of immunity. As both Mayor Isko Moreno and our campaign team could only hope that we safely transition to a new normal at the soonest possible time, something already achieved in the City of Manila, we respect Secretary Dizon’s commitment in carrying out this crucial task,” wika ni Banayo.

“We support his efforts even as we will welcome him in our team eventually.”

Bago ito, naglabas ng statement ang Palasyo para pasinungalingan ang naunang sinabi ni Banayo na lumipat na si Dizon ng kampo papunta sa team ni Moreno. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?