914
piolo-shaina
Apr 25, 2018 @ 20:18
By

Vina nahihiwagaan sa relasyon nina Shaina, Piolo

Sa presscon ng Araw Gabi, nausisa si Vina Morales tungkol sa relasyon ng kapatid niyang si Shaina Magdayao kay Piolo Pascual, pero sinabi ng actress/singer na wala talaga siyang alam kung mag-ano na nga ba ang kapatid niya at si Papa P.

Wala naman daw sinasabi sa kanila si Shaina tungkol sa napapabalitang relasyon nito sa aktor. Parang nahihiwagaan nga si Vina, na natsitsismis si Shaina kay Piolo, samantalang wala namang naikukuwento sa kanya si Shaina.

Sa presscon naman ng Single/Single: Love Is Not Enough movie ni Shaina with Matteo Guidicelli, marami ang nag-akalang aamin na ang dalaga tungkol sa real score sa kanilang dalawa ni Papa P at ang expected nga ng lahat ay sasabihin niya na taken na siya, pero nang tanungin kung ano ba ang kanyang relationship status, sinabing SINGLE siya.

So, ibig sabihin, wala talaga silang relasyon ni Papa P?!

Hmph! Hindi kaya hindi pa lang talaga handa si Shaina na aminin ang tungkol sa kanila ni Papa P dahil mismong ang aktor naman ay hindi talaga umaamin ng tungkol sa kanilang dalawa?

Well, posible!

Anyway, ‘yung Single/Single: Love Is Not Enough nga pala nina Shaina at Matteo ay bale third installment ng series nila noon sa CinemaOne na naka-two seasons din.

Nagdesisyon nga raw na ‘yung pangatlo ay gawing pelikula na, na magsu-showing na sa May 2.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?