207

Oct 6, 2018 @ 16:58
By

Vina nagparetoke, naghiganti

Tila gustong-gusto ng mga tao sa likod ng ‘Araw Gabi’ ang plot twist ng pagpapalit ng mukha dahil matapos si Ara Mina ay si Vina Morales naman ang nag-ibang anyo.

Kinuha ng karakter ni Vina na si Celestina ang mukha ni Odessa na ginagampanan ni Rita Avila para mapalapit sa kanyang mga kalaban.

Noong una ay paniwalang-paniwala sina Adrian (JM De Guzman), Mich (Barbie Imperial), at kanilang mga pamilya na nagbalik na si Odessa pero ngayon ay unti-unti na nila itong pinaghihinalaan.

Excited na akong mabuko nila ang bagong panlilinlang na ito!

Gustong-gusto ko ang mga ganitong plot twist dahil naipapakita ng artista ang husay nila sa pag-arte. Hindi lang kasi karakter ang iaarte rito kundi paano iarte ng isa pang artista ang karakter. Gaya na lang nina Vina at Rita na mahusay na ginaya ang pag-arte ng isa’t isa.

Ang tanong ko lang ay, anong nangyari kay Odessa matapos kunin ang mukha niya? Hindi kasi ipinakita kung ano ang sinapit nito. Pinatay na kaya siya ni Celestina?

Ano pa kaya ang mga mangyayari sa huling linggo ng ‘Araw Gabi’? Sana may maisingit pang pasabog na rebelasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?