20

By

Vina Morales wish muling magka-love life

Sharing is caring!

 
Ipinahayag ni Vina Morales na wala siyang love life ngayon. Nag-iingat na raw siyang magmahal muli, although aminado ang aktres na hindi naman siya napapagod sa love.
Aniya, “Wala akong lovelife. Sana magka-love life naman ako. Wala pa rin hanggang ngayon eh, medyo mapili.”
Nakikipag-date rin naman daw siya, pero lately ay sobrang busy ng aktres.
“May mga ipinade-date ang mga kaibigan ko pero recently wala talagang oras. Paano naman ako magde-date, eh puyat lagi.”
Although may anak na si Vina  at masasabing kompleto na bilang isang babae, gusto pa rin daw niyang magkaroon ng partner sa buhay. 
“Pero ayaw kong madaliin, I mean dumating naman ako sa point na na-in-love ako, may boyfriend. Pero kung hindi seryoso at pang-fun lang huwag na,” saad pa ni Vina sa panayam ng press sa isa sa 20 branches nila ng Ystilo Salon sa Greenhills.
Sa ngayon, bukod sa kanyang showbiz career ay nakatutok si Vina sa negosyo nilang magkaka­patid, ang Ystilo Salon.
Kamakailan ay nagdiwang ito ng 20th anniversary. Kaya happy si Vina na sa kabila ng mga nagsulputang salon ngayon na mga high-end pa ay hindi pa rin sila binibitawan ng mga customer nila. Kasama niyang nagpapatakbo sa Ystilo ang mga kapatid niyang sina Sheila, Sheryl at Shaina Magdayao.
Ngayong anniversary month nila, personal na pinupuntahan ni Vina  ang kanilang mga branch para magpasalamat sa lahat ng mga sumusuporta sa kanilang negosyo sa loob ng 20 taon.
Speaking of Ystilo Salon, kaugnay ng kanilang 20th year may mga promo silang handog sa kanilang mga consumer. Maaari ninyong i-avail ang promo na 50% off on services from Sept. 18-20; 30% off (Sept. 8 to Oct. 31); at 20% off (Sept. 8 to Nov. 30).
Sa mga gustong mag-franchise, tumawag lamang sa 927-7532 o 0917-3124210 o kaya’y mag-email sa  franchise@ystilosalon.com.ph.
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: