47

Oct 23, 2020 @ 16:12
By

Vina Morales rumaraket bilang tuyo, suka vendor

Maraming artista na ang pinasok ang mundo ng pagbebenta matapos na tumama ang COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Isa na diyan si Vina Morales na binahagi ang kanyang mga paninda sa Instagram.

Sa kanyang onling selling account na Inday Beena’s Best, makikita ang ilang binibenta ng singer tulad ng tuyo, suka at peanut butter.

“Bata pa lang ako, mahilig na po talaga akong mag isip at gumawa ng Negosyo. Naniniwala ako na maliit man o malaki na negosyo, kita pa rin yun at makakatulong pa rin sa ating kabuhayan,” lahad ni Vina.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?