1,425

Dec 13, 2017 @ 14:54
By

Vina Morales, pinuri ng netizens sa kaseksihan

Pagdating sa paseksihan, naka-bikini man o hindi, walang dudang nangunguna si Vina Morales sa mga aktres na nasa edad niya.

Ilang beses nang pinahanga ni Vina ang netizens sa kanyang pamatay na alindog sa mga bikini shots niya, sa pool man o sa dagat.

Laging may papuri sa kanyang Instagram account ang aktres mula sa kanyang mga followings.

Sa isa sa mga latest photo postings ni Vina, kahit hindi siya naka-bathing suit o two-piece ay nakakaengganyo pa rin ang kaseksihan nito.

Nakaposte sa IG wall ni Vina ang half body photo shot niya na suot ay isang gown.

Mababa ang V-cut neckline ng suot ni Vina na nagpalitaw ng kanyang cleavage.

Isa si Vina sa may karapatang maglantad ng kanyang dibdib dahil talaga namang may ipagmamalaki ang hinaharap nito. Para ngang umaapaw ito sa laki.

Sa edad nito ay napanatili ni Vina ang kanyang alindog na kahit sinong lalake ay mapapa-“tsk, tsk, tsk” sa paghanga sa kanyang sexiness.

Kung noong dalaga pa ito ay napupuna ang pagiging masculine ng beauty ni Vina na halos wala itong umbok sa dibdib, pero ngayon kahit sino sa mga female stars na hindi nabiyayaan ng ganitong grasya, maaaring humingi ng kapiraso sa laki ng boobs nito.

‘Yun nga lang, kahit maganda, talented, sexy, mayaman, fulfilled as a mother si Vina, palagi naman itong bokya sa pag-ibig.

Okey lang naman sa aktres ang ganitong sitwasyon niya lalo’t nagtataglay siya ng kakaibang ganda at umaapaw na kaseksihan na kahit sinong lalake ay magkakandarapa masungkit lang ang kanyang puso at alindog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?