14

By

Vina Morales mabenta ang beauty sa bagets na aktor

Sharing is caring!

Maraming humanga sa singer-actress na si Vina Morales dahil sa kontrabida role niya sa ‘Araw Gabi’ bilang si Celestina de Alegre.

Anila kakaibang Vina raw ang kanilang napapanood sa TV screen tuwing hapon pagkatapos ng ‘Asintado’.

“Nakakataba naman ng puso ang mga papuri ng mga manonood. Salamat… salamat,” lahad ni Vina.

Loveless ngayon ang singer-actress. Nag-eenjoy daw siya na laging kasama ang anak. Pero, ‘di tinanggi ni Vina na may young actor daw nagpaparamdam sa kanya.

Pursigido raw ang young actor na maging girlfriend siya kahit medyo malaki ang agwat ng kanilang edad.

Hangga’t maaari ayaw na raw niyang magkaroon ng relasyon na nasa showbiz.

Na-experience na raw kasi niya magka-boyfriend na nasa linya ng showbiz. Mahirap daw mapanatiling matatag ang relasyon kung parehong nasa showbiz.

“Hangga’t maiiwasan ko, iiwasan ko lalo na pag artista kasi dumaan na ako diyan,” sambit ni Vina.

Careful na raw siya ng lalaking mamahalin at wala sa showbz. Okey lang naman daw kung hindi masyado ang edad nila as long as ‘wag naman daw sobrang laki ng gap.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?