46

Mar 1, 2021 @ 19:53
By

Vin, Sophie nag-gender reveal na ng first baby

Inilantad nina Vin Abrenica at Sophie Albert ang kasarian ng kanilang unang baby.

Sa vlog noong Linggo sa YouTube channel na Vin & Sophie, shinare ng dalawa ang mga naging ganap sa dalawang gender reveal party na ginawa ng kani-kanilang family.

Sa huling bahagi ng 8-minute video ay pinakita na baby girl ang kanilang first baby.

Kamakailan inanunsyo nina Vin at Sophie na magsasama na sila sa iisang bahay.

Noong January ay nagdiwang ang dalawa ng kanilang 8th years anniversary.

Nagkakilala sina Abrenica at Albert sa TV5 reality show na “Artista Academy” noong 2012 kung saan silang dalawa ang tinanghal na grand winners.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?