1,542

Oct 23, 2021 @ 15:43
By

Vin Diesel hinatid sa altar ang anak ni Paul Walker

Hindi pinabayaan ni Hollywood actor Vin Diesel ang anak ng namayapa niyang kaibigan na si Paul Walker.

Siya ang naghatid sa altar kay Meadow.

Ibinahagi ni Meadow, 22, ang mga larawan at video sa kanyang “big day” na ginanap sa isang beach sa Dominican Republic.

Ikinasal siya sa aktor na si Louis Thornton-Allan

“We’re married!!!!” caption ni Meadow.

Nagkasama sina Diesel at Walker sa “Fast & Furious” movies.

Pumanaw si Walker matapos bumangga ang kotseng sinasakyan niya sa bilis na mahigit 100mph at nagliyab.

Natagpuan siyang patay kasama ang kaibigan at financial adviser na si Roger Rodas noong November 30, 2013 sa nasunog na Porsche Carrera GT sa Los Angeles, California.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?