50

Feb 22, 2021 @ 19:00
By

Vin Abrenica sinakyan ‘bampirang’ nobya

Imbes na mapikon, sinakayan na lang ni Vin Abrenica ang mga sinasabi ng netizen na bampira umano ang kanyang fiancé na si Sophie Albert.

Sa isang Instagram post ng aktor, makikita ang nakakatawang caption niya sa kanyang nobya.

“Di ko maiwasang makita yung reactions and comments sa kamay ni @itssophiealbert kesyo sinasabi na A. Sobra sa gluta, B. Anong brand ng sabon/lotion niya, C. Anemic, D. Kamay ng Vampire, E. Kasama sa Adam’s Family at iba pa,” pagpapatuloy niya.

Kaugnay ito sa naunang ibinahaging litrato ni Abrenica na hawak ang kamay ng kanyang nobya.

Litaw na litaw kasi ang pagkaporselana ng balat ni Albert.

“San ba banda dito ang Maputi? Hindi naman halata,” anang aktor.

Magugunitang Pebrero 13 nang ianunsyo ng dalawa sa publiko na engaged na sila noong pang Disyembre ng nakaraang taon.

Noong Araw ng mga Puso, inanunsyo naman ng dalawa na nagdadalang-tao si Albert.

BASAHIN:
Vin Abrenica, Sophie Albert ikakasal na!
 
Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?