206

Jun 12, 2021 @ 21:05
By

Vilma Santos-Recto atras din sa 1Sambayan

Tinanggihan ni House deputy speaker at Batangas Rep. Vilma Santos-Recto ang naging alok ng koalisyong 1Sambayan na maging posibleng kandidato sa dalawang pinakamataas na posisyon sa bansa sa 2022 elections.

Nitong Sabado ay inilabas ng koalisyon ang anim na indibidwal na nominado ng 1Sambayan bilang posibleng kandidato sa pagka-pangulo o pangalawang pangulo sa susunod na halalan.

Kasama rito si Recto, ngunit tinanggihan niya ang nominasyon ng 1Sambayan.

‘’I sincerely thank 1Sambayan for considering me. I have no plans for 2022. I am focused in assisting Lipa City in its vaccination program and in providing assistance to families who need it most,’’ pahayag ni Recto.

‘’Furthermore, I have my legislative duties to attend to,’ dagdag pa niya.

Bukod kay Recto ay isa pang umatras sa nominasyon ng 1Sambayan si Senadora Grace Poe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?