160

Jun 21, 2019 @ 18:24
By

Vilma Santos, karangalan na nakasama si Eddie Garcia

Nagpahayag din ng kanyang kalungkutan si “Star for All Seasons” at Batangas Rep. Vilma Santos sa pagkamatay ng aktor na si Eddie Garcia.

Sa Instagram post, sinabi ni Santos na mami-miss niya ang kanyang “Tito Ed” at karangalan na nakasama niya ito bilang isang actor at director.

“I WILL MISS YOU TITO ED. Karangalan ko na makasama ka bilang isang Actor at Director. Maraming salamat sa lahat. I Love You Tito Ed…Our Condolences,” sabi ni Santos.

Nakasama ni Santos sa ilang pelikula si Manoy gaya ng “Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan” at naging direktor din niya sa “Imortal” at “Sinasamba Kita”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?