220

Sep 22, 2021 @ 17:25
By

Vilma Santos aanib sa Isko-Doc Willie tandem

Sa ilalim ng tambalan nina Manila City Mayor Isko Moreno at Dr. Willie Ong sasama si House Deputy Speaker at Batangas Rep. Vilma Santos-Recto sakaling tumakbo ito sa pagka-senador sa 2022.

Ito ang sinabi ni Senator President Pro Tempore Ralph Recto sa kanyang pinadalang mensahe sa mga reporter.

“If she runs it will be with Mayor Isko and Dr. Willy Ong. Will decide by Sept 30,” ani Recto.

Wala pang pinal na desisyon ang mag-asawa hinggil sa kanilang plano sa 2022 subalit nauna nang nagpahiwatig si Recto na maaaring magpalit sila ng posisyon sa susunod na halalan.

Nauna nang kinumpirma ni Recto na suportado nilang mag-asawa ang presidential bid ni Moreno sa susunod na eleksiyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?