171

Oct 30, 2017 @ 9:15

Vilma reregaluhan ng problema ni Luis

Problema. Ito raw ang gusto ni Luis Manzano na iregalo sa kanyang ina na si Congresswoman Vilma Santos.

Ano pa nga raw ba ang puwede niyang ibigay sa kanyang nanay na meron na ng halos lahat sa kanyang buhay sa aspektong pinansiyal, kaya, wala na raw siyang maisip pa.

But of course, nagbibiro lang ang ating host na palabiro dahil, ‘yun nga, as of now ay wala pa siyang maisip na materyal na bagay para rito.

“Eh, apo?” pagbibiro namin sa kanya.

That will come in time daw, pero not too soon. Baka raw ang kapatid niyang si Ryan Christian ang magbigay na ng apo sa Star for All Seasons. Joke pa rin niya ‘yan.

Kaya, ‘yung mga humo-hopia na baka mabuntis nito si Jessy Mendiola ay ngangey pa rin, noh?

Anyway, ayon kay Luis, sa Hong Kong magse-celebrate si Ate Vi ng kanyang ika-64th birthday. Hindi nga lang namin natanong kung buong pamilya ang bitbit nito at kung ilang araw ito doon.

Siguro naman, kung may wish siya for her, ito ay ang good health at mahaba-haba pang life span sa mundo.

Samantala, magdodoble effort daw siya ngayon dahil tumaba talaga siya matapos nilang magbakasyon ni Jessy sa Japan. Ang kanya raw dyowa ay nakabalik na sa normal weight nito, pero siya, ikakayod pa niya ito.

Kaya nga raw siya nagpabigote ngayon, para ito ang pansinin ng tao at hindi ang kanyang lumobong katawan. (GLENN REGONDOLA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?