112

By

Vilma, Ralph matatag ang pagsasama

Happy 26th wedding anniversary kina Senator Ralph Recto at Congressman Vilma Santos-Recto.

Sa Lipa Cathedral ginanap ang pasabog nilang kasal at talaga namang dinumog ng publiko ‘yon!

As we all know, isa sa powerhouse couple sa politics at showbiz ang tandem nina Sen. Ralph at Cong, Vi.

Hinubog ng senador ang asawa sa politika at isa si Ate Vi sa mga artistang naging tagumpay ang pagpasok sa politika.

Tanging si Ate Vi ang aristang nagagawang pagsabayin ang politika, showbiz at pagiging isang ina.

Pinag-aagawan man siya para tumakbo sa national position, pamilya pa rin ang top priority niy kahit super-qualified siya sa national position.

At yes, matatag na matatag pa rin ang pagsasama nilang dalawa. Happy wedding anniversary, Sen. Ralph at Cong. Vilma!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?