6
vilma-santos-mother-lily

Vilma, Mother Lily mga suki ng ABANTE

Sharing is caring!

Happy 31st anniversary, Abante, Una Sa Balita, ang Tunay na Tabloidista! Bahagi na ng entertainment industry ang Abante ng maraming dekada. Hindi basta-basta mabubura ‘yan kahit sabihing may pagbabago na sa print industry dahil sa makabagong technology.

Nakakasabay rin kasi ang Abante sa mga usong on line sites, blogs at iba pang social media tools. Saka ‘yung mga balitang showbiz eh, maiinit at matatapang ang pagkakagawa.

Umiiral man ang digital format ng ilang babasahin, may mga showbiz celebs pa ring tumatanglilik sa tradisyunal na printed copy ng Abante gaya na lang ni Mother Lily.

Yes, mamahalin din ang gamit na fone ng Regal producer, pero mas gusto niyang bumibili ng hard copy ng Abante dahil iba ang feeling niya kapag nasusulat ang movie at bidang artista ng pelikulang ipalalabas. Tuwang-tuwa siya lalo kapag nakikita niya ang litrato niyang kalakip ng write up tungkol sa kanya.

Minsang naisulat namin siya rito tungkol sa negosyo niyang pagbebenta ng mga baka, tawag agad siya sa amin at gustong ipa-frame ang item namin sa kanya dahil gandang-ganda siya sa picture niya, huh!

Maging si Congressman Vilma Santos-Recto, mas gusto niyang basahin ang printed copy ng mga dyaryo sa umaga bago sumabak sa trabaho. Isa siya sa mga sumusubaybay sa sinusulat namin dito kaya naman tuwing makakaharap niya ang press, nasasabi niya sa aming, “Nabasa ko ‘yung sinulat mo sa Abante. Thank you, huh!”

Take note dahil sa pagbabasa ni Cong. Vilma ng mga dyaryo, updated siya sa latest showbiz news at tsismis, huh! Pantanggal stress din kasi niya ang pagbabasa sa entertainment kahit hindi masyadong aktibo sa showbiz eh hindi pa rin siya nahuhuli sa balitang artista.

Maging ang business partner ng Klownz at Zirkoh Comedy Bars na sina Allan K at Lito Alejandria ay nagpatulong sa Abante nu’ng nagbukas ang kanilang negosyo. Nagsilbi rin kasing guide ng customers ng comedy bar ang Abante dahil nalalaman nila ang nightly performers at special shows.

Of course, mas feel na rin ng mga artista ‘yung may clippings sila ng nasusulat tungkol sa kanila para malagay sa scrap book nang sa pagtanda nila eh, meron silang nakikitang memories ng kanilang achievements bilang artista.

Bumagyo man o umaraw, magpalit-palit man ang Presidente ng bansa, mamayani man ang digital platform sa mga babasahin, mananatiling nakatayo pa rin ang Abante upang maghatid ng balitang-artista!

Panatalihin ang pagbabasa ng Abante!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?