92

Oct 18, 2017 @ 2:00

Villegas: CBCP na biktima na naman ng fake news

Nabiktima umano muli ng “fake news” ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP).

Sa isang maikling statement, nilinaw ni CBCP President at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas na walang nilabas na pahayag ang samahan ng mga obispo na ikinalulungkot nila ang pagkamatay ng mga pinuno ng Maute-ISIS group na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

“Once more, CBCP is the hapless victim of fake news. Going viral on social media is a report that the CBCP regrets the killing of Messrs. Hapilon and Maute. The CBCP never made such statement,” pagbibigay-diin ni Archbishop Villegas.

Sa halip, pinupupurihan umano nila ang tapang at kabayanihan ng mga sundalo para mapalaya ang Marawi mula sa mga terorista.

On the contrary, we laud the gallantry of our soldiers and their heroic efforts to free Marawi,” dagdag ni Villegas.

Kasabay nito, iginiit din ng arsobispo na ikagagalak nila na tumulong sa gobyerno sa muling pagbangon ng Marawi City sa paraang kaya ng Simbahan.

“We pray for all the dead, and for lasting peace in Mindanao,” pagtatapos ni Villegas. Maricel Diaz

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?