414

By

Villarin sa mga pahayag ni Enrile: Nakakasuklam!

Binara ni Akbayan partylist Rep. Tom Villarin si dating Senate President Juan Ponce Enrile sa mga pinagsasabi tungkol sa martial law noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa tete-a-tete kay dating Senador Bongbong Marcos, sinabi ni Enrile na walang kahit isang inaresto noon dahil sa pagbatikos kay Marcos at wala rin umanong nangyaring mga masaker.

Ayon kay Villarin, hindi pwedeng gamiting dahilan ni Enrile ang kanyang edad sa lantarang pagsisinungaling sa mga Filipino.

Kasuklam-suklam anya ang ganitong mga pahayag mula isang taong nag-traydor kay Marcos at iniligtas lamang ng mga Filipino noong EDSA 1 revolution.

“It is revolting and insanely disgusting coming from a ‘Marcos traitor’ who was saved by Filipinos from Marcos’ wrath during the EDSA 1 revolution,” diin ni Villarin.

Sabi ng kongresista, malinaw sa kasaysayan na ang noo’y defense minister na si Enrile ang arkitekto ng martial law kung kailan libo-libo ang inaresto sa bisa ng arrest, search and seizeure orders (ASSO) ng diktador na pangulo

Patunay anya rito ang halos 10,000 claimants mula sa 70,000 biktima na binayaran ng Marcos Human Rights Victims Compensation Board, kabilang ang mga pamilya ng 1974 Malisbong massacre sa Sultan Kudarat kung saan 1,500 sibilyang Moro ang pinatay.

Naniniwala si Villarin na ang mga pahayag ni Enrile ay parte ng grand effort ng mga Marcos na baguhin ang kasaysayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?