46

Nov 1, 2018 @ 18:23
By

Villarin nakukulangan sa P25 dagdag-sahod

Walang-wala umano ang P25 umento sa sahod na ibibigay sa mga manggagawa sa Metro Manila kung ikukumpara sa matinding epekto ng inflation.

Ayon kay Villarin, nakakatakot ang ganitong klase ng balita para sa mga empleyado ngayong Undas.

“Such news coming during our observance of All Saints Day is eerily discomforting for workers. It’s like telling them that such pittance increase can help tide them over to the after life to join their departed loved ones,” sabi ni Villarin.

Base sa datos ng National Workers Productivity Commission, P72 sa purchasing power ang nawala sa mga manggagawa dahil sa pagtaas ng inflation.

“Sa ginawang pahirap ni Pangulong Duterte sa kanyang mga polisiya, alam na natin na huwag din tayo umasa sa kanya na tumulong sa manggagawa. In Visayan, ‘Asa ka pa, bai!,” ayon sa kongresista.

Binigyang diin ng mambabatas na ni hindi aabot ang P25 sa 6.7 percent inflation na katumbas ng P31.74 ng P512 kada araw na minimum wage.

Ang ginawa anya ng regional wage board ay para masabi lang na pinakinggan ang panawagan para sa umento pero hindi tinugunan ang problema.

“It cannot independently ascertain nor legitimately assert its wage increase figures. It’s high time that Congress move to scrap such wage boards and strengthen collective bargaining and the right to strike of workers,” ani Villarin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?