ABANTE tom villarin mocha thomasian
By

Villarin kay Alvarez: ‘Wag baguhin ang kasaysayan

Sharing is caring!

Tinawag na insulto ni Akbayan partylist Rep. Tom Villarin para sa mga bayaning Pilipino ang pahayag ni Speaker Pantaleon Alvarez na sa ilalim lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte tunay na lumaya mula sa pananakop ng mga dayuhan ang Pilipinas.

Sabi ni Villarin, binabago ni Alvarez ang kasaysayan at binabalewala ang pakikipaglaban at pagbubuwis ng buhay ng mga bayani sa mga mananakop na Español, Hapon at Amerikano.

“If to say that we are still being colonized up until Duterte took over is an insult to our intelligence as this statement is more an opinion than a historical assertion. It begs the issue of presenting concrete facts and historical records to prove his point,” ayon kay Villarin.

Hindi rin daw maintindihan ng kongresista kung bakit kailangang ipagdiinan ang foreign policy ng administrasyong Duterte gayung bigo naman itong ipaglaban ang soberenya sa pananakop ng China sa West Philippine Sea.

Kinuwestiyon rin nito kung bakit hindi pinuna ng Speaker ang paglapag ng military aircraft sa Davao na aniya’y lantarang paglabag sa airspace.

“This invasion by China is an affront to our sovereignty but Speaker Alvarez seems not to mind this naked aggression,” ani Villarin.

“Is the foreign policy now jumping from the frying pan into the fire?” dagdag ng kongresista.

Una rito, sinabi ni Alvarez na sa mga nakalipas na administrasyon ay nanatiling kontrolado ng Amerika ang ekonomiya at pulitika sa Pilipinas. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?