16
ABANTE mark villar flood dpwh
By

Villar: Wala akong alam sa P75B dagdag sa DPWH budget

Sharing is caring!

Sinabi ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Mark Villar na wala siyang alam sa nadagdag na P75 bilyon sa panukalang 2019 badyet ng pinamumunuang ahensya.

Sa panayam sa Senado, sinabi ni Villar na nalaman lang niya ito nung isumite na ng Malacañang ang 2019 budget o National Expenditure Program (NEP) sa Kongreso.

Noong binabalangkas sa Malacañang ang panukalang badyet, P480 bilyon ang halaga ng mga proyekto ng DPWH dahil ito ang ibinigay sa kanilang limitasyon.

Pero sa NEP na isinumite ng Department of Budget and Management (DBM) sa Kamara, naging P550 bilyon ito.

“During the NEP state, binigyan kami ng ceiling na P480 billion so ‘yun ang batayan namin,” sabi ni Villar.

Idiniin naman ng kalihim na walang masama at bahagi ng regular na budget process ang pagdaragdag ng DBM.

Sa alegasyon ni House Majority Leader Rolando Andaya, dinagdagan ni Diokno ang badyet ng DPWH dahil may mga ipagagawa itong infrastructure project sa Bicol kung saan kontratista diumano ang mga balae ni Diokno.

Itinanggi na ito ni Diokno.

Ayon kay Villar, pinaiimbestigahan na niya ang alegasyong ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?