cynthia-villar
By

Villar, pinakamayamang senador; Trillanes pinakamahirap

Sharing is caring!

Nananatili si Senadora Cynthia Villar na pinakamayaman sa lahat ng 23 senador at pumapangalawa naman si “Pambansang Kamao” Sen. Manny Pacquiao.

Batay ito sa kanilang statement of assets, liabilities and net worth (SALN) para sa taong 2017.

Idineklara ni Villar sa joint SALN nila ng mister na si dating Senate President Manny Villar ang net worth na P3,611,260,766, tumaas ito ng P5.2 milyon kumpara sa kanilang deklarasyon para sa taong 2016.

Inihayag naman ni Pacquiao na P2,946,315,029.93 ang kaniyang yaman, mas mababa ng P126 milyon kumpara sa kaniyang idineklara sa 2016 SALN.

Ikatlong pinakamayaman si Senador Ralph Recto na nagdeklara ng P538 milyon na net worth habang ikaapat si Sen. Juan Miguel Zubiri na mayroong P152 milyon na net worth.

Ikalima si Sen. Sonny Angara na may P131 milyon.

Samantala, ang iba pang senador ay may yaman na:

6. Sen. Franklin Drilon (P93 milyon)

7. Sen. Grace Poe (P90 milyon)

8. Sen. Sherwin Gatchalian (P88 milyon)

9. Sen. JV Ejercito (P78 milyon)

10. Sen. Richard Gordon (P69 milyon)

11. Sen. Tito Sotto (P64.73 milyon)

12. Sen. Nancy Binay (P60 milyon)

13. Sen. Loren Legarda (P51 milyon)

14. Sen. Bam Aquino (P39 milyon)

15. Sen. Ping Lacson (P36 milyon)

16. Sen. Gringo Honasan (P25 milyon)

17. Sen. Joel Villanueva (P23 milyon)

18. Sen. Koko Pimentel (P18 milyon)

19. Sen. Risa Hontiveros (P16 milyon)

20. Sen. Kiko Pangilinan (P13 milyon)

21. Sen. Chiz Escudero (P8 milyon)

22. Sen. Leila De Lima (P7 milyon)

Pinakamahirap at ika-23 si Sen. Sonny Trillanes na nagdeklara ng net worth na P6,871,743.64, mas mataas ito ng P365,071.51 kumpara sa kaniyang net worth para sa taong 2016.

Sa batas, obligado ang mga opisyal ng gobyerno kabilang ang mga senador na magsumite ng SALN.

Isa itong paraan para mabantayan kung nagpapayaman sila gamit ang posisyon sa gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?