109

Oct 29, 2020 @ 11:06
By

Villar, Pacquiao bilyonaryo; De Lima pinakadukhang senador

Nangunguna pa rin si Senadora Cynthia VIllar bilang pinakamayamang senador batay sa 2019 report ng Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN).

Sa nilabas na report nitong Huwebes, nakita na si VIllar, kasama din si Senador Manny Pacquiao, ang natatanging bilyonaryo sa listahan.

Mayroong P3.8B na asset si Villar at walang itinalang liability, habang P3.17B naman ang net worth ni Pacquiao na karamihan ay mula sa kanyang boxing career.

Sumunod naman kina Villar at Pacquiao ay sina Senate President Pro Tempore Ralph Recto (P567.4M), Senate Majority Leader Miguel Zubiri (P203.7M) at Senador Bong Revilla (P176.4M).

Ang may pinakamababang net worth naman ay ang nakadetineng mambabatas na si Leila de Lima na may P8.3M sa kanyang pangalan.

Sinundan naman si De Lima nina Senadora Risa Hontiveros (P16M) at Senador Bong Go (P18.4M).

Heto ang buong listahan ng SALN ng mga senador:

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?