27

Nov 24, 2021 @ 16:26
By

Villar: Pa-rehistro para makasali sa raffle ng bakunado sa Las Piñas

Pinaalalahanan ni Deputy Speaker at Las Piñas Rep. Camille Villar ang mga residente ng siyudad na nakapag-bakuna na laban sa COVID-19 na magparehistro para magkaroon ng tyansa na manalo ng bahay at lupa.

Ang mga bakunadong residente ay mayroon hanggang Disyembre 5 para magpabakuna at magkaroon ng tsansa na manalo ng P1.5 milyong halaga ng bahay at lupa mula sa Bria Homes, dalawang motorsiklo at 10 grocery items na nagkakahalaga ng tig-P5,000.

Ang grand draw ay gagawin alas-10 ng umaga sa Disyembre 7. Ito ay mapapanood sa opisyal na Facebook page ni Villar (www.facebook.com/camillevillarofficial)

Inilunsad ni Villar ang ‘May Bahay sa Bakuna’ program noong Hunyo 2021 upang hikayatin ang mga residente ng siyudad upang magpabakuna.

“This is our contribution to make sure that more people will get vaccinated to ensure that we protect ourselves and our loved ones. And we have been quite successful because we have seen vaccine uptake to have increased after we launched this program,” sabi ni Villar.

Hanggang noong Nobyembre 17, sinabi ni Villar na 497,290 residente ng siyudad na ang bakuna. Sa naturang bilang 443,362 o 72.7% ng populasyon ang fully vaccinated na.

Sinimulan na rin umano sa siyudad ang pagbabakuna ng mga edad 12-17. Mahigit kalahati na umano ng 34,077 na target na menor de edad ang nabakunahan na ng unang dose at 597 ang fully vaccinated na.

Kumpiyansa si Villar na matatapos ang pediatric vaccination ngayong taon. (Billy Begas)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?