2,715
cynthia-villar
Jul 23, 2018 @ 11:58

Villar nag-walk out sa pictorial sa Senado

Nilayasan ni Senadora Cynthia Villar ang pictorial ng mga senador sa pagbubukas ng 3rd regular session ng 17th Congress.

Ayon sa source ng Abante, nasa kalagitnaan na ng paghahanda para sa photo ops ng mga senador kasama ang kani-kanilang mga asawa nang lumayas ang senadora.

Dahilan ng mambabatas, may umupo na umano sa dapat niyang puwesto kaya’t wala na siyang mapuwestuhan.

“Inupuan na ‘yung upuan ko. Saan pa ko pupwesto?” naiinis na pahayag diumano ni Villar.

Hindi naman binanggit ng maybahay ni dating Senate President Manny Villar kung sinong kasamang mambababatas ang umagaw sa kanyang upuan.#

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?