37

Jan 9, 2021 @ 21:10
By

Villar nag-iisang Pinoy sa ‘pinakamayamang tao sa mundo’

Pasok sa Billionaire Index ng US-based media company na Bloomberg si dating senador Manuel Villar.

Siya ang nag-iisang Pilipino sa Billionaire Index, daily ranking ng “top 500 richest people” sa mundo.

Sa Billionaire Index, pang-382 si Villar bilang pinakamayaman sa mundo nitong January 9, 2021.

Ibinabatay ng kompanya ang kanilang pagraranggo sa market value ng mga deklaradong negosyo ng isang bilyonaryo.

Kabilang sa yaman ni Villar ang mga negosyo niya sa real estate at utilities, na tinatayang nasa $6.76 bilyon.

Nanguna sa listahan si SpaceX at Tesla, Inc., CEO Elon Musk, na may total net worth na $209 bilyon.

Sumunod sa kanya si Jeff Bezos ng Amazon ($186 bilyon) at Microsoft founder Bill Gates ($134 bilyon).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?