111

By

Villar kinilig sa pag-endorso ni Duterte sa Prime Water

Kung inendorso man ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Prime Water Infrastracture Corp., ito’y dahil sa kasipagan ni Manny Villar, ayon sa asawa nitong si Senadora Cynthia Villar.

Sabi ng senadora, hindi naman umano minana ni Manny ang kanyang mga negosyo hindi tulad ng water concessionaires na Maynilad at Manila Water.

“Kasi siya, si Manny, kasama niya ‘yan before when he was congressman. Siguro nakita niya ‘yung lifestyle ni Manny. Natutuwa siya,” pahayag ng mambabatas sa panayam ng mga reporter nitong Martes.

“Saka remember, si Manny is ano, hindi niya minana ‘yong kanyang kabuhayan. Pinundar ‘yon on his own, siguro sinasabi niya na siya, pinaghirapan niya ‘yong kanyang kabuhayan,” dagdag ni Villar.

Hindi umano katulad ng Manila Water na isang ‘inherited business’ habang ang Maynilad na pag-aari ng mga Pangilinan at Consunji na galing sa mayayamang pamilya.

“Whereas ‘yong Manila Water, minana ‘yan, ilang generations na sila. Minana Pangilinan, galing sa Indonesia. Mayaman sila. Then ABS, ilang generation na ‘yon,” sambit pa nito.

“Maybe it’s the meaning nga. Siya kasi, ‘yung kanyang kabuhayan, pinaghirapan niya ‘yun. Yung iba, minana,” dagdag pa niya.

Nang tanungin kung magbi-bid ba ang kanilang kumpanyang Prime Water kapag hindi na pinalawig pa ang kontrata ng Maynilad at Manila Water, sinabi nitong wala pa siyang alam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?