23

Sep 8, 2021 @ 16:51
By

Villar: Insentibo ibigay para marami magpaturok

Itinutulak ni Senador Cynthia Villar na bigyan ng insentibo ang taong matitigas ang ulo para maengganyo ang mga itong magpabakuna laban sa COVID-19.

Sa pagdinig ng Senate finance committee, sinabi ni Villar na napansin niyang walang ibinigay na pribilehiyo ang Inter-Agency Task Force for Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) sa mga nabakunahan na.

“We have to give some privileges to the vaccinated para ma-convince natin yung matitigas ang ulo na magpa-vaccinated because that’s the only way,” sabi ni Villar.

“Because why will they be vaccinated when they enjoy the same privileges as the vaccinated?” dagdag pa nito.

Ayon sa senadora, kung marami pang mababakunahan, madadaling matatamo ng pamahalaan ang target nilang ‘heard immunity’ at mabuksan ang ekonomiya ng bansa.

“Dapat i-insist niyo sa IATF na ‘pag vaccinated bigyan naman ng privileges… para mabuksan natin ang ating economy for the sake of the small, micro-enterprises na umiiyak na sila talaga ngayon,” sabi ni Villar kay Finance Secretary Carlos Dominguez III.

Nitong Lunes, sinimulan nang talakayin ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) sa Senate finance committee ang panukalang 2022 national budget.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?