28

Oct 14, 2020 @ 20:58
By

Villar dumepensa sa pagkuha ng Chinese sa mga infra project

Dumepensa si Public Works Secretary Mark Villar kaugnay sa pag-hire ng mga foreign national sa mga infrastructure project sa bansa sa kabila na maraming Pilipino ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Sa Senate hearing sa proposed P666.47-billion budget ng Department of Public Works and Highways para sa 2021, tinanong ni Senador Francis Pangilinan kung isang kondisyon ba ang pagkuha ng mga Chinese para makaselyo ng infrastructure deal ang gobyerno.

Paliwanag ni Villar, kinukuha ang mga dayuhan dahil sa taglay ng mga itong technical skills at hindi lang naman aniya Chinese ang hina-hire nila.

“No, it is not a condition. A lot of these new projects, they do come with new technologies and it will require some specialization. Therefore, sometimes, in some of our projects, you see some level of foreign workers, not necessarily Chinese. We have Japanese, we have Korean… There are certain special skills that they have that we need in order to complete the project,” wika ni Villar.

Dagdag niya, karamihan pa rin ng nagtatrabaho sa mga proyekto ay mga Pilipino.

“A majority are still Filipinos, an overwhelming majority are still Filipinos,” aniya.

Hinalimbawa ni DPWH Undersecretary Emil Sadain ang konstruksyon ng Estrella-Pantaleon Bridge kung saan 69% ng manggagawa ay mga Pilipino habang 31% lang ang Chinese.

Gayundin aniya sa Binondo-Intramuros Project kung saan 45% lang ang Chinese.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?