336

Dec 9, 2021 @ 15:36
By

Villar dumagdag sa senatorial slate ng Marcos-Sara Uniteam

Dumalo si Nacionalista Party matriarch Sen. Cynthia Villar at anak nitong si dating Public Works and Highways Secretary Mark Villar sa event nina UniTeam presidential aspirant Ferdinand Marcos, Jr., at vice presidential aspirant Davao City Mayor Sara Duterte sa Cavite ngayong Huwebes.

Ang nakababatang Villar ang dumagdag sa senatorial line-up ng UniTeam.

Ipinakilala nina Marcos at Duterte sina Villar, dating Sen. Jinggoy Estrada, at dating Presidential Spokesman Harry Roque bilang mga susunod na senador ng bansa.

Nauna nang sinabi ng Lakas-Christian Muslim Democrats, na pinamumunuan ni Duterte, na susuportahan nito si Pangulong Rodrigo Duterte na tumatakbong senador.

Ang event, na ginawa sa parking area ng Nomo Mall sa Bacoor, ay inorganisa ni Sen. Ramon Bong Revilla Jr., kanyang pamilya at mga kaalyado.

Si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo, na tumatakbo sa pagkakongresista ng Pampanga, ay dumalo rin sa pagtitipon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?