314

Jun 5, 2019 @ 21:00
By

Villar ‘di sumipot sa pinatawag na meeting sa bahay ni Pacquiao

Nagsama-sama sa dinner na inorganisa ni Senador Manny Pacquiao sa kaniyang bahay sa Forbes Park sa Makati ang ilang senador nitong Miyerkoles.

Kabilang sa dumalo sina Senate President Vicente Sotto III, Senate President Pro Tempore Ralph Recto, Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri, Sonny Angara, Nancy Binay, Joel Villanueva, Sherwin Gatchalian, maging sina outgoing Senators Gringo Honasan at Loren Legarda.

Present din ang mga baguhang senador na sina Imee Marcos, Francis Tolentino, Christopher “Bong” Go, at Ronald “Bato” dela Rosa.

Naroon din ang nagbabalik mambabatas na sina Senators Lito Lapid at Ramon “Bong” Revilla Jr., ngunit “no show” si Senadora Cynthia Villar na ipinatawag din umano ni Sotto sa meeting para maplantsa ang gusot sa majority bloc.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?