6

Oct 28, 2020 @ 15:49
By

Villar ‘di pwede umawat sa pagbusisi sa DPWH budget – Sotto

Tiniyak ni Senate President Vicente Sotto III na hindi bibigyan ng mga senador ng espesyal na pagtrato ang Department of Public Works and Highways (DPWH) sa oras na himayin ang panukalang 2021 budget nito na P664.47 bilyon.

Ayon kay Sotto, bagana’t kasama nila sa Senado ang ina ni DPWH Secretary Mark Villar na si Senadora Cynthia Villar, hindi naman ito nakikialam kapag binubusisi na ng mga senador ang panukalang pondo ng ahensiya.

“No, we will not soft-pedal on DPWH. At saka knowing Cynthia, hinahayaan naman niya. I’ve seen it in the past eh. Ang daming interpellations sa DPWH ‘di naman siya nang-aawat eh, hindi siyang nang-aaway, so it’s alright” pahayag ni Sotto sa isang forum sa Kapihan sa Maynila.

Tiniyak naman ni Sotto sa publiko na ang mga finance subcommittee ng Senado ay pinag-aaralang mabuti ang national expenditure program at maddali nang makita ang pagkakaiba nito sa inaprubahan budget bill na Kamara na isinumite na sa Senado.

“Yung subcommittee namin nagtatrabaho na yan few months ago, nag-uumpisa na sila eh. So itong pagdating ng GAB (general appropriations bill), kitang-kita na nila agad ang diperensya diyan at madali nang alamin,” sabi ni Sotto.

“Pagdating sa DPWH, palagay ko ‘yung aming committee ng finance ni Sen. [Sonny] Angara will not mince words if they find something that’s sticking out like a sore thumb,” sambit pa nito.

Sabi pa ni Sotto, aktibo rin aniya si Senador Panfilo lacson sa pagbantay sa pondo ng DPH para matiyak na wala itong lump sum.

“Hopefully, wala talaga. Paglabas sa amin, walang lump sum. Kung meron, maliwanag kung saan pupunta, may naka-line item,” ani Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?