185

Jul 3, 2020 @ 16:49
By

Villar, Boying, Roque pinagtripan

Hindi talaga lulusot sa mga netizen ang mga pinaggagawa ng ilang politikong Pinoy kamakailan.

Matatandaang inasar si Senadora Cynthia Villar matapos ma-post sa kanyang official Facebook page ang mga edited na larawan ng senador habang nagdo-donate ng medical equipment sa isang ospital sa Las Pinas City. Burado na ang mga larawan.

Trending din si Presidential Spokesperson Harry Roque matapos magbunyi na natalo ang prediksiyon ng mga UP expert na papalo sa 40,000 ang COVID-19 cases sa katapusan ng Hunyo.

Lumangoy din siya kasama ang mga dolphin sa Ocean Adventure sa Subic, Zambales. Side trip aniya niya ito bago siya tumungo sa Mariveles, Bataan para asikasuhin ang kanyang mga naiwang agricultural business.

Bukod dito, naispatan ang pagdedma ni Cavite 7th District Rep. Jesus Crispin “Boying” Remulla sa pambansang awit na “Lupang Hinirang” bago magsimula ang ikawalong pagdinig ng Kamara sa prangkisa ng ABS-CBN.

“I’d like to apologize for an earlier incident na ako po’y may sinusulat na note nung nagpa-flag ceremony tayo. As usual, the ABS-CBN people are the ones playing it up now on social media. But I will forgive them,” banggit pa ni Remulla matapos ang kanta.

Kaya naman, dinaan sa meme ng ilang mamamayan ang reaksiyon sa mga insidente.

1. ‘Galing manghula ng Family Guy’


2. Cynthia Bilyar


3. Panalo na tayo!


4. ‘Bakit iba sinisi?’


5. Mga bagong South Korean star

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?