429
Villar binanatan ang NFA: Siniraan niyo ko nung eleksyon!
By

Villar binanatan ang NFA: Siniraan niyo ko nung eleksyon!

Hindi na naitago ni Senador Cynthia Villar ang kanyang pagkainis sa National Food Authority (NFA) na inakusahan niyang naninira sa kanya noong kasagsagan ng kanyang reelection bid sa pagka-senador.

“’Di ba noong kumandidato akong senador, sinisiraan ako nyan ng NFA eh na ‘wag daw akong iboto kasi ako daw ang may kasalanan ng lahat ng ito,” patutsada ni Villar sa mga opisyal ng NFA sa pagdinig ng Senado sa implementasyon ng Rice Tariffication Law.

“Tingnan mo ang dami kong boto. Walang nakinig kasi galit sa inyo ang mga tao,” dagdag pa nito.

Si Villar ay nanguna sa nagdaang senatorial elections.

Sa naturang pagdinig, sinermunan din ni Villar ang mga opisyal ng NFA dahil sa kawalan ng malasakit sa mga magsasaka ng palay.

“Kaya kinumbinsi na namin ang mga LGU, bigyan na lang sila ng puhunan. Sila na mamili kasi yung mga LGUs siguro, nagpapaboto sila, gusto din naman nilang makatulong para iboto sila pagdating ng eleksyon,” sermon ng senadora.

“Yung NFA kasi hindi nagpapaboto to eh kaya wala kayong pakialam kung magalit lahat ng tao dito di ba?” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?