By

Villanueva, Tiauson piga-utak sa Malaysia

Sharing is caring!

Muling masisilayan sa ibabaw ng 64 square board sina Fide Master Nelson Villanueva at Recarte Tiauson pagsabak nila sa Kejohanan Catur Terbuka Antarabangsa Langkawi 2018 International Chess Championship na magsisimula bukas sa Langkawi, Malaysia.

“Maglalaro kami ni Nelson (Villanueva) sa Malaysian chess circuit, hopefully maganda maging resulta,” hayag ni Tiauson, pambato nina Senator Manny Pacquiao at RingCentral Director Joey Lianko, na nag over-all 3rd place sa HD Bank International Open chess sa Hanoi, Vietnam kamakailan.

Pagkatapos makipagtagisan ng utak nina Villanueva at Tiauson naka-iskeydul din silang tumulak ng piyesa sa Catur Kenyalang PMU Open chess tournament 2018 mula April 21-22 sa Dewan Serbaguna Politeknik Mukah, Malaysia.

“Gagawin namin ni Nelson ang lahat para manalo,” ani Tiauson na pinarangalan kamakailan nina Mandaluyong City mayor Carmelita “Menchie” Aguilar Abalos, dating Mandaluyong City mayor Benjamin “Benhur” de Castro Abalos at Liga ng mga Barangay National PRO/Barangay Malamig chairman Marlon Manalo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?