14

Sep 27, 2021 @ 21:51
By

Villanueva: Sugpuin ang game-fixing

Iginiit ni Sen. Joel Villanueva na nakasalalay ang kabuhayan ng mga atleta at iba pa pang sakop ng sports kaya dapat masugpo ang mga pinaghihinalaang game-fixing sa professional sports sa bansa.

“Trabaho at kabuhayan ng ating mga atleta, coach, support staff, at ng buong sektor ng sports ang nakasalalay dito. Any action that will cast doubt on the integrity of professional sports jeopardizes the livelihood of our athletes, coaches and support staff,” pahayag Lunes ng mambabatas sa budget deliberation.

Humingi si Villanueva ng update sa Games and Amusements Board sa mga aksiyon nito sa mga pinaghihinalaang game-fixing incident sa pro sports leagues, kasama ang nangyari sa sa 1st Pilipinas Vis-Min Super Cup 2021.

“We were disgusted when we saw the video, and imagine my disappointment as a basketball player. I know for a fact that you are going to do something about it. It is challenging because you have to gather pieces of evidence … Even if you’re not a professional player, you could see in the video that there’s something wrong,” sey pa ng Senate finance subcommittee chairman, na namuno sa delibrasyon sa budget ng Philippine Sports Commission at GAB.

Tumugon naman si GAB chairAbraham Kahlil Mitra na kumikilos ang ahensya at kakasuhan ang mga sangkot sa game-fixing.

Nangako rin ang Senador na tutulong upang makakuha ng pondo para makapagpadala ang bansa ng delegasyon sa mga international competition.

“Ipinakita po ng mga medalists natin sa Tokyo Olympics at sa iba’t ibang mga international sporting events kung gaano kahalaga ang sports development sa isang bansa. As a former national athlete myself, I have seen the power of sports to unify a nation.

“I hope that the budgets of our sports agencies next year will be an instrument to seek, train and support more athletes who will bring honor and glory to our country,” panapos niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?