35

Sep 7, 2021 @ 15:53
By

Villanueva sa PAGCOR, COA: 15 delingkuwenteng POGO isiwalat

Walang nakikitang dahilan si Senador Joel Villanueva kung bakit ayaw pangalanan ng Commission of Audit (COA) o ng Philippine Amusement and Gaming Corp. (PAGCOR) ang 15 Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) na hindi nakakabayad ng buwis na umabot sa P1.365 bilyon.

“PAGCOR and COA should publicly name the 15 delinquent POGOs. They do not have the right to remain anonymous,” sabi ni Villanueva, chairman ng Senate labor committee.

Ayon kay Villanueva, hindi dapat balewalain ito ng gobyerno dahil kailangang-kailangan ng revenue para mapondohan ang mga program ng pamahalaan.

“For those who have swindled the government, all the more that their identities be known. For those who have closed shop and ran away with debts unpaid, then their names should be announced, not withheld,” ani Villanueva.

Nauna nang sinabi ng PAGCOR na walo sa 15 delingkwenteng POGO na ang kinansela ang lisenisya, isa ang suspendido at tatlong ang sumasailalim sa pagsusuri.

Suballit hindi maintindihan ni Villanueva kung bakit aayaw ng COA at PAGCOR na pangalanan ang mga delinkuwenteng mga POGO na ito.

“If names of owners of real estate with unpaid taxes are routinely published in newspapers, then why can’t the same treatment be extended to foreign gambling operators whose arrears are far bigger?” ayon sa senador.

“Hindi po barya ang utang nila pero bilyon. Yung topnotcher, P462 million ang atraso. Yung second place, P179.7 million. Yung pangatlo, P174 million. These are not penny-ante money, but amounts of plunder proportions,” patuloy pa niya.

“PAGCOR should go after them even if they have retreated behind the Great Wall up north. Hindi dapat payagan ang ganitong hit and run,” dagdag pa ng senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?