65

Mar 15, 2021 @ 20:25
By

Villanueva sa gobyerno: Mag-‘anniver-sorry’ sa publiko

Dapat umanong humingi ng paumanhin ang pamahalaan sa publiko dahil hinayaan nitong umabot pa ng isang taon ang COVID-19 pandemic sa bansa, ayon kay Senador Joel Villanueva.

“Bilang parte ng government, dapat ‘anniver-sorry’ po tayong lahat sa publiko,” pahayag ni Villanueva sa kanyang text message sa mga reporter.

Ayon sa senador, dapat matuto ang mga awtoridad sa kanilang kakulangan at hindi na maulit ang kanilang pagkakamali sa pagtugon sa health crisis.

“Sa lagay po natin ngayon, parang bumalik po tayo sa square one,” diin nito.

“Split na po tayo sa COVID, makipag-break na tayong tuluyan. Kasi gusto na po natin makipagbalikan sa trabaho at maayos na kabuhayan,” dagdag pa ng chairman ng Senate committee on labor.

Para naman kay Senadora Imee Marcos, dapat magkaroon ng ‘overhaul’ sa Inter-Agency Task Force on the Management of Emerging Infectious Disease para lalong maging mas maayos ang pagtugon sa pandemya.

“Nakaka-one year na tayo — one year naka-preso sa bahay, one year na walang natututunan ang mga anak, one year na walang kinikita. It’s an anniversary not worth remembering or celebrating,” ani Marcos.

“The only way to commemorate this continuing misery is for PRRD (President Duterte) to overhaul the IATF. What exactly have they accomplished after one year?” tanong pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?