5

Dec 4, 2020 @ 17:48
By

Villanueva sa gobyerno: Dagdagan paggastos sa mga health service

Dapat manguna ang pamahalaan para maibalik ang kumpiyansa sa negoyso at makabuo ng trabaho sa pamamagitan ng pagdagdag sa paggastos sa public health facility at health care service, ayon kay Senador Joel Villanueva.

Ginawa ng senador ang panawagan sa gitna na unemployment report ng Philippine Statistics Authority (PSA) kung nakapagtala na 3.8 milyong Pinoy, edad 15 pataas ang nawalan ng trabaho nitong Oktubre ng taong ito.

Sabi ng PSA katumbas ito ng 8.7p orsiyentong unemployment rate nitong Oktubre na mas mababa sa 10 porsiyentong naitala noong Hulyo at 17.6 porsiyento nong Abril ng taong ito.

“We cannot afford to let the morale of our labor force to slump further, that is why our government should intervene by increasing spending to restore business confidence,” pahayag ni Villanueva chairman ng Senate labor and employment committee.

“The ball is in the government’s court now. It is the government which has the capacity to get our economy back on track. We should continue spending on social services such as healthcare for our people, while infrastructure spending should be our top priority next year to create jobs for our workers,” dagdag nito.

Ayon sa PSA report, maraming Pinoy ang nawalan ng trabaho dahil karamihan ay tumigil sa paghahanap bunsod ng iba’t ibang kadahilanan.

Hinikayat naman ni Villanueva ang gobyerno na maging istrikto sa pagpapatupad ng COVID-19 protection protocol para maramdaman ng publiko na ligtas sa mga establisimiyentong kanilang nais puntahan.

“Prayoridad po ng mga ating mga manggagawa ang kanilang kalusugan at nag-iingat sila dahil nga sa kasulukuyang pandemya na dulot ng COVID-19. Mas pipiliin nilang pasukan ang mga employer na sa tingin nila ay sumusunod sa COVID-19 protocols,” sabi ni Villanueva.

Dahil maraming kumpanya ang hindi nagha-hire at bagsak din ang job market, sinabi sa PSA report na 38 porsiyento ng taong kasama sa surbey at nag-aalangang pumasok dahil sa lockdown at sa takot na mahawaan ng virus.

“Ang pag-kontrol sa pagkalat ng sakit ay napakahalaga upang pasiglahin ang mga negosyo na siyang lilikha ng trabaho at oportunidad para sa ating mga manggagawa,” ani Villanueva.

“Bagama’t niluluwagan na ang ating mga quarantine restrictions, hindi pa rin po dapat maging pabaya sa pagpapatupad ng social distancing, pagsuot ng mask, at pagpapanatili ng kalinisan,” saad pa nito. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?