3

Aug 5, 2020 @ 15:02
By

Villanueva: PhilHealth officials magaling umiwas

Hindi kuntento si Senador Joel Villanueva sa sinagot ng mga opisyal ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa mga tanong tungkol sa alegasyon ng katiwalain sa ahensiya.

Sabi ni Villanueva, naging evasive ang mga PhilHealth official na sagutin ang mga simpleng katanungan tulad ng average hospital bils ng mga COVID-19 patients.

“Hindi po nila nasagot yung mga tanong natin kanina, kahit po ang average hospital bill ng mga kumpirmado at posibleng pasyente na may COVID-19 na hinihingi natin, para makita natin kung sapat ba ang PhilHealth case rates para sa mga COVID-19 patients,” pahayag ni Villanueva matapos ang pagdinig ng Senate committee of the whiole.

“Naglalaro po tuloy sa isipan natin na parang ayaw nila sagutin ang tanong para hindi masabi na maliit ang benefit value ng PhilHealth. Taliwas po ito sa diwa ng ating Universal Health Care (UHC) law,” dagdag pa nito.

Sa ilalim ng UHC law, mandato na dagdaga ang premium para suportahan at dagdagan ang benefit package,

Kinuwestiyon ni Villanueva ang P750-million budget para sa information and communications technology program na ininderso para sa approval ng PhilHealth board kahit na nakabinbin ang completion ng internal audit report sa ICT capabilty at kahit na nauna nang naaprubahan ang P327 milyong budget para sa ICT.

Nababahal din ito sa diumano’y ‘favoritism’ sa ahenisya sa pagbibigay ng cash advances sa mga ospital sa mga rehiyon kung saan mababa o wala namang kaso ng COVID-19.

“Mukha pong may tinatago sa hindi nila pagbigay ng maayos at klarong sagot sa mga tanong tungkol sa detalye ng P750 million na ICT budget na pinapa-aprubahan sa Board, at ang implementasyon ng kanilang reimbursement mechanism,” ani Villanueva.

“Sa aming obserbasyon, malinaw na may interes na gustong isulong ang ibang PhilHealth employees sa madaliang pag-endorso ng P750 million ICT budget kahit na hindi pa lumalabas ang internal audit report na naglalayong magbusisi kung ang mga items at presyo na kasama sa budget ay may kaukulang basis,” wilka pa nito.

“Maliban dito, may mga pinaboran rin na mga ospital na nabigyan ng cash advance sa mga lugar na wala o may mababang bilang ng kaso ng COVID-19. Sa estado ng mga nalaman natin sa PhilHealth, mas lalo pa nitong pinagtibay ang hinala natin na may mafia sa loob ng ahensya,” ayon pa kay Villanueva.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?