18

Dec 16, 2020 @ 18:46
By

Villanueva: Mga manggagawa bigyan ng access sa COVID-19 vaccine

Bukod sa mga frontliner, dapat din umanong bigyan ng access sa COVID-19 vaccine ang puwersa ng mga manggagawa sa oras na ipatupad na ang National COVID-19 Vaccination Program ng gobyerno, ayon kay Senador Joel Villanueva.

Sa isang resolusyon, pinasiyasat ni Villanueva sa Senado ang detalye ng vaccination plan ng gobyerno partikular ang kahandaan sa pagsasagawa ng epektibo, mura at napapanahong bakuna kontra coronavirus disease.

“Maliban po sa ating mga frontline service personnel tulad ng mga healthcare worker, pulis, at militar, nais makita ng ating mga manggagawa, lalo na po ang mga minimum wage earner, kung paano sila mabibigyan ng access sa bakuna,” pahayag ng chairman ng Senate labor committee.

Ayon kay Villanueva, ang malinaw na plano sa pagpapatupad ng vaccination program sa mga manggagawa ay susi sa pagbabalik ng kumpiyansa ng ating mga manggagawa at maging ang mga mamumuhunan.

“Many of our minimum wage earners face a high degree of risk in terms of their workplaces such as factories and construction sites, and live in highly dense areas with their families. They also rely on public transportation to get to their workplace and homes, so if they get sick, they are likely to spread the disease in their communities,” ayon sa senador.

“This clearly illustrates the need for our policymakers to factor in not only science, but also the day-to-day realities faced by our people in their decision-making process,” paliwanag pa nito.

Iminungkahi pa ni Villanueva kay National Task Force Chief Implementer Carlito Galvez Jr. na ikonsidera ang iba pang mga frontline service worker tulad ng nasa logistic sector, public transportation at iba pang subsectors sa service industry para lang tumakbo ang ekonomiya ng bansa.

Dagdag pa ni Villanueva, dapat unahin sa vaccination program ang mga high-risk spread worker na tumutulong sa ekonomiya tulad ng mga manggagawa sa food distribution at retail network kabilang ang public market at restaurant, mga private security worker at worker. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?