19,728

Mar 13, 2020 @ 15:44
By

Villanueva: Mga contractual worker sa gobyerno, bayaran muna kahit walang trabaho

Umapela si Senador Joel Villanueva sa pamahalaan na patuloy pa ring bayaran ang mga contractual worker sa executive department para matiyak na panggastos sila sa kanilang mga pamilya habang suspendido ang trabaho sa mga tanggapan sa ilalim ng Office of the President.

Ayon kay Villanueva, ang work suspension na ipinatupad para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19 ay makakaapekto a kabuhayan ng halos 30% ng mga kawani ng pamahalaan na nasa kategorya ng job order on contract service.

“Lubos pong maaapektuhan ang ating mga manggagawa, lalo na ang mga nasa contractual na kategorya, dahil no work, no pay ang nangingibabaw na polisiya,” pahayag ni Villanueva, chair ng Senate Committee on Labor, Employment, and Human Resources Development.

Sa datos ng Civil Service Commission, lumalabas na may 2.4 milyong manggagawa sa gobyerno, 660,000 dito ay nasa ilalim ng job order o contract service.

“We are worried about the families who will be affected if contractual workers do not report to work. While there will be skeletal staffing in place, their take home pay will significantly shrink, and they may have a harder time fulfilling their basic needs,” sabi ni Villanueva.

Una nang ipinag-utos ni Pangulong Duterte ang work suspension sa executive branch subalit inatasan nitong magkaroo ng ‘skeletal staffing’ para matiyak na tuloy ang serbisyo ng gobyerno.

Pinalilinaw din ni Villanueva sa Department of Labor and Employment (DOLE) ang kahalintulad na isyu sa pribadong sektor na hinikayat nitong magpatupad ng telecommuting work arrangement sa kanilang hanay.

“No work, no pay rin po ang ating pribadong sektor. Kaya po hinihiling natin sa DOLE na bigyan ng linaw ang magiging panuntunan na ipapatupad sa kanila pagdating sa trabaho,” ayon sa senador.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?