20

Apr 20, 2021 @ 14:34
By

Villanueva: Huwag pagsuspetsahan mga community pantry

Sa halip na pagsuspetsahan dapat suportahan pa umano ng pamahalaan ang mga mga community pantry sa bansa.

Ito ang sinabi ni Senador Joel Villanueva matapos pansamantalang isara ang unang community pantry sa Maginhawa Street sa Quezon City dahil sa pag-red-tag diumano ng QC Police District at National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

“Suporta, hindi suspetsa. Ito ang dapat na tugon natin sa mga community pantries na walang ibang layunin kundi ang tumulong sa kapwa,” reaksiyon ni Villanueva, chair ng Senate labor committee.

“Imbis na paghinalaan, dapat paulanan ng ibayong suporta ang mga “bayanihan projects” na ito dahil ito ay sumasang-ayon sa layunin ng pamahalaan na tulungan ang mga mamamayan na labanan ang pandemya,” sambit pa nito.

Ayon pa kay Villanueva ang pagtatayo ng mga community pantry ay nagmula sa kabutihan ng tao at nag-ugat sa konsepto ng pagtutulungan sa komunidad.

“Nananawagan ako sa ating mga kasamahan at katrabaho sa gobyerno na tulungan at pagtibayin po ang mga community pantries na ito, sa halip na ilayo ang mga tao sa tunay na diwa ng pakikipagkapwa,” sabi ni Villanueva.

“Nais po nating ipaalala na sa panahon na ang mga mamamayan ay salat sa pagkain at hindi sapat ang tulong na dumadating, hindi magandang payo ang lumayo sa mga taong ang nais lamang ay tumulong,” sambit pa nito.

Samantala, sinabi ni Senadora Grace Poe na hindi dapat pagdiskitahan pa ng gobyerno ang inisyatibo para sa pagtatayo ng mga community pantry sa bansa.

“Let’s not taint the initiatives to help stem hunger with suspicions of communist links. It puts their lives in peril, which is not the way to treat our people doing good for their countrymen,” sabi ni Poe.

Ayon sa senadora, dapat gampanan na lang mga law enforce ang kanilang tungkulin na protektahan ang mga mamamayan at hindi para takutin sila.

“Law enforcers must, at all times, fulfill their duties of protecting the citizens, not intimidate them. Tumutulong na nga sila, tinatakot pa,” ani Poe.

“With adherence to health protocols, we should instead encourage more citizens to pitch in with initiatives that would alleviate the plight of families hard-hit by the pandemic.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?