8
arrested-kalaboso-arestado-huli
By

Village chief, misis dinakma sa anti-drug ops sa Cotabato

Sharing is caring!

Kapwa inaresto ng mga awtoridad ang isang village chairman at asawa nito sa ikinasang anti-drug operation sa Kabacan, North Cotabato kahapon.

Ayon sa report, nakumpiska sa mag-asawa ang 50 gramo ng iligal na droga na nagkakahalaga ng P230,000 at isang kalibre .45 na baril.

Kinilala ang opisyal ng barangay na si Datu Bong Bacana, 45, village chairperson ng Barangay Kayaga, habang ang kanyang asawa ay si Baliling, 44.

Isinilbi umano ang search warrant dakong alas-kuwatro ng madaling-araw sa bahay ng mga Bacana sa Sitio Lumayong.

Hindi naman umano pumalag sa pag-aresto ang magkatipan pero pinabulaanan ng dalawa ang pagkakasangkot nila sa iligal na droga.

Kasalukuyang nakadetine ang mag-asawa sa kulungan ng Philippine Drug Enforcement Agency sa Gen. Santos City. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?