119

By

Villafuerte suportado, hindi kontra sa laban ni Lacson vs. ‘pork’

“We did not and will never ask Sen. @iampinglacson to stop his fight against Pork. In fact we will fight to the death alongside him against pork barrel.”

Ito ang giniit sa Twitter ni Deputy Speaker LRay Villafuerte ngayong Linggo ng umaga, Setyembre 29, 2019.

“#notoporkbarrel Yes to a budget that will uplift the lives our people!,” saad pa niya.

Kamakailan lang, pinatamaan ito ni Senador Panfilo Lacson at sinabing hahanapin pa rin niya ang anumang insertion sa 2020 national budget sa oras na mai-transmit ito sa Senado kahit hindi natuloy ang binalak ng Kamara na P1.5 bilyon para sa mga deputy speaker at P700 milyon naman kada kongresista.

Itutuloy din umano ni Lacson ang pagbunyag sa mga kongresista sa House of Representatives na mayroon umanong tinatagong “pork” fund.

Matatandaang sinabi ni Villafuerte na parte ng “personal agenda” ni Lacson ang pagbibigay nang mula P700 milyon hanggang P1.5 bilyon kada mambabatas sa House of Representatives sa ilalim ng panukalang P4.1 trilyong badyet para sa 2020.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?